GLOBAL NA ABOT. LOKAL NA KAHUSAYAN. Mga karerang panseguridad sa bawat sulok ng mundo
Sa lahat ng parte ng mundo, pinagsasama-sama ng Brink’s ang iba’t ibang team, lokal na kahusayan, at iisang hangarin sa seguridad. Saan ka man sumali sa amin, makakahanap ka ng kultura na hinubog ng komunidad na aming pinaglilingkuran, at isang karera na pangmatagalan.
PINAGKAKAISA NG LAYUNIN Isang team. Pandaigdigang kultura.
Saan ka man sumali sa amin, magiging bahagi ka ng team na nakatuon sa paggawa ng tama. Itinatag ang aming kultura sa tiwala, respeto, at nagkakaisang diwa ng pananagutan. Sinusuportahan namin ang aming mga tao na gawin ang kanilang pinakamahusay na trabaho, kumilos nang may integridad at katapatan. Sa Brink’s, mahalaga ang lahat ng boses – kaya aktibo kaming nagbibigay ng pagkakataon sa aming mga empleyado para makapagsalita, magbahagi ng mga ideya, at magpakita ng malasakit. Ang aming Employee Voice Program ay isang global engagement survey na nangangalap ng tapat na feedback para tulungan kaming bumuo ng mas matatatag na team at isang mas mahusay na kumpanya. Nakakatulong ito sa aming malinaw at tapat na kapaligiran, at nagbibigay ng pagkakataon para magkaunawaan at magkaisa kami bilang isang team. Nagsisimula ka man sa iyong karera o namumuno ng isang team, ito ang lugar kung saan ka nabibilang.
KONTRIBUSYON SA KOMUNIDAD Pagbabalik ng utang na loob sa mga lugar na tinatawag naming tahanan
Sa Brink’s, ang paggawa ng tama ay higit pa sa trabaho lang – nagpapamalas ito ng aming dedikasyon sa mga komunidad na pinaglilingkuran namin at sa mga taong nagtatrabaho sa amin. Sa iba’t ibang sangay namin sa buong mundo, sinusuportahan ng aming team ang mga napakahalagang inisyatibo sa kalusugan, katulad ng Blood Cancer United. Sa North America, pinopondohan ng Light the Night ang pananaliksik na nagliligtas ng buhay ng mga pasyente na may kanser sa dugo. Sa Romania, ang mga programang gaya ng Brink’s Root Project ay nagpapanumbalik ng ecosystem sa pamamagitan ng pagtatanim ng libo-libong puno. Sa Latin America, nakikipagtulungan ang mga empleyado sa mga organisasyong gaya ng TECHO Chile para magtayo ng mga bahay at magpatibay ang lokal na komunidad. Sa Indonesia, kinilala ang aming team para sa pagmamalasakit nito sa mga empleyadong may mga kapansanan – nagtataguyod ito hindi lang ng kanilang kaligtasan at katiwasayan, kundi pati na rin ang pagsulong sa kanilang karera at integrasyon sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ang mga pagsisikap na ito ay pinangungunahan ng aming mga empleyado – na nagpapatunay ng pagkakaisa ng aming layunin na mag-iwan ng pangmatagalang kontribusyon.
MGA LOKASYON Kilalanin ang aming mga rehiyon
Mula sa pagprotekta sa Stanley Cup hanggang sa paghahatid ng sikretong recipe ng KFC, ipinagkakatiwala sa Brink’s ang mga pinakamahalagang asset ng mundo sa loob ng 167 na taon. Mula sa mga tungkulin sa operasyon sa paghawak ng cash, vault services, operasyon sa cash room, at mga crew ng armored vehicle hanggang sa IT, finance, legal, procurement at HR – nagha-hire kami sa buong U.S. at Canada. Mula sa mga tungkulin sa operasyon sa buong bansa at mga oportunidad sa aming mga tanggapan sa Texas at Toronto, saan ka man sumali sa amin, tutulungan mo kaming panatilihing sumusulong ang aming misyon.
Sa Brink’s, hindi natatapos ang pagkatuto. Bumubuo ka man ng mga bagong kasanayan, kumukuha ng lisensiya, o gusto mong tuklasin ang iba’t ibang landas, sinusuportahan namin ang iyong paglago sa pamamagitan ng on-the-job development at mga programang dinisenyo para tulungan kang sumulong. Ito ang lugar para isulong ang iyong karera, sa paraang pinili mo.
Sa mahigit na 24,000 empleyado at mahigit 400 pasilidad sa buong Latin America, isa ang Brink’s sa mga pinakapinagkakatiwalaang kumpanya sa security at logistics sa rehiyon. Mula sa mga armadong tauhan at operasyon sa cash room hanggang sa mga tungkulin sa teknolohiya, finance, at human resources – mayroon ka ditong lugar. Habang patuloy kaming nagsasamoderno ng mga sistema at nagpapalawak ng aming mga digital solution sa buong rehiyon, isa itong kapana-panabik na panahon para bumuo ng karera sa Brink’s.
Sa Latin America, nakatuon kami sa pagpapaunlad ng talento mula sa loob – sa pamamagitan ng pagsasanay, suporta sa paglilisensya, mga karanasan sa trabaho, at mga programa sa pamumuno na dinisenyo para suportahan ang pangmatagalang tagumpay sa karera. Nagsisimula ka man o handa nang mamuno, binibigyan ka ng Brink’s ng mga tools, suporta, at pagkakataong lumago.
Ang aming operasyon sa 27 bansa sa Europe ay may mahigit na 15,000 na empleyado at higit sa 200 na pasilidad, ang Brink’s ay may mahalagang papel sa financial ecosystem. Interesado ka man sa pagpapaunlad ng produkto, data science, teknolohiya, operations, korporasyon o komersyal na tungkulin, – naglilingkod kami sa mga kliyente tulad ng bangko, retail, pamahalaan, at mga luxury na produkto. Maging bahagi ng 167-taong pamana at tulungan kaming hubugin ang security at logistics ng hinaharap.
Namumuhunan kami sa iyong paglago sa pamamagitan ng pagsasanay para sa partikular na tungkulin, pagpapaunlad ng pamumuno, at mga oportunidad sa pagbuo ng kasanayan gaya ng mga Agile workshops at kurso sa wika. Sumali ka man sa pamunuan o planong tumuklas ng bagong karera, magkakaroon ka ng access sa mga tools, mga karanasan, at suporta para patuloy na sumulong – meron ito sa 23 na bansa at patuloy pang dumarami.
Sa lahat ng 29 na bansa at sa halos 400 pasilidad sa Asia, Middle East at Africa, ang Brink’s ay may mahalagang papel sa network security at logistics sa buong mundo. Mula sa crew ng armored vehicles at vault services hanggang sa teknolohiya, finance, at pamumuno sa negosyo, nag-aalok kami ng malawak na hanay ng mga oportunidad sa karera. Kilala sa aming secure na operasyon sa paghawak ng cash, mabilis din kaming nagpapalawak sa pagdevelop ng produkto, analytics, at solusyon sa digital payment – kaya ito na ang tamang oras para bumuo ng karera sa Brink’s.
Mabilis na lumalalaki ang Brink’s – at kaya mo rin. Mula sa suporta ng pagkuha ng lisensya, pagsasanay sa pamumuno, on-the-job learning at mga global na oportunidad na nakarotasyon, mamumuhunan kami sa iyong pag-unlad. Marami sa aming mga namumuno ang nagsimula sa mga tungkulin sa operasyon, at habang lumalago bilang isang negosyo na pinapatakbo ng teknolohiya at may pagtuon sa mga customers, bumubuo din kami ng mga bagong paraan para tulungan ang aming mga empleyado na makipagsabayan sa dynamic at global na kapaligiran.
Saan kami nagtatrabaho
- Argentina
- Australia
- Bahrain
- Belgium
- Bolivia
- Botswana
- Brazil
- Cambodia
- Canada
- The Caribbean
- Chile
- China
- Colombia
- Cyprus
- Czech Republic
- Dominican Republic
- Estonia
- France
- Germany
- Greece
- Hong Kong
- India
- Indonesia
- Ireland
- Israel
- Italy
- Japan
- Jordan
- Kenya
- Kuwait
- Latvia
- Lithuania
- Luxembourg
- Macau
- Madagascar
- Malaysia
- Mauritius
- Mexico
- Morocco
- Netherlands
- Panama
- Philippines
- Poland
- Reunion
- Romania
- Singapore
- South Africa
- South Korea
- Switzerland
- Taiwan
- Thailand
- Turkey
- United Arab Emirates
- United Kingdom
- United States of America
- Vietnam